Gusto Kong Batukan ang Aking Mahal
Gusto kong batukan ang aking mahal.
Ganito kami araw-araw. Minsan sisipain nya ako
Habang ako naman pinipilipit ang kanyang buto.
May mga araw na mas masaya kami kapag
Gumagamit kami ng kutsilyo at “icepick.”
Gusto kong batukan ang aking mahal.
Pagdating nya sa bahay, galing sa trabaho,
Bubuhusan ko siya ng kumukulong tubig
Dahil paniguradong tadtad ako ng tama
Sa armalite niyang dala.
Gusto kong batukan ang aking mahal.
Hay, kung minsan nga yung sinaing,
Kakainin ko nlng ipang babato ko pa sa kanya.
Favorite ko yung kapag unti- unti niya akong
Sinasakal gamit ang hose sa banyo, tpos bago
Matulog lalagyan ko siya ng unan sa mukha
At ididiin iyon hanggang siya ay
Maubusan ng hininga.
Gusto kong batukan ang aking mahal.
Batukan hangang sa dumugo ang batok nya.
Masaya kaming dalawa kapag nagbabatukan
Dahil alam naming hindi namin ito kayang gawin sa iba.
Author's Note:
After contemplating on Cirilio Bautista's "Patalim", I was kinda inspired and then attempted to write what I think is the worst poem I've ever written. Well, I honestly admire and respect Cirilio Bautista and his genius. However, I would just like to share the thought so here it is. If you have negative comments, please do say it nicely hehehe. Enjoy my crap!
No comments:
Post a Comment